A Travellerspoint blog

January 2009

lalalala

i kinda like this song. it happens to everyone. you sometimes forget to show the people you love how you feel

all seasons in one day 27 °C

kiss020308DM_468x344.jpg

Show me a smile and then kiss me
Tell me you love me again
Come to my room and then lie in my bed
I love you, you know
Although sometimes it just doesn't show

Love me forever
Love me all night through
Love me for a lifetime
I live my life for only you

Giving is my way of loving
It's the only way that I know
I've got nothing much
I've got nothing to show
I love you, you know
Although sometimes it doesn't seem so

Love me forever
Love me all night through
Love me for a lifetime
I live my life for only you

Posted by maharot 12:54 Comments (0)

lost in emotion

dahil madaming na-touch (??) dito sa sulat nato, ipopost ko na sha.it's an open letter to my friend Dax, the kuya(/spiritual adviser/love guru/drinking buddy etc.) i never wanted hahahaha

huy....nasasad na naman ako.siguro iniisip mo, na naman??? well, oo, na naman. im a girl, you know (even if you wish otherwise, sometimes) and im entitled to hormonal imbalance. alam ko na din ang sasabihin mo (wawa naman..) and yet i always turn to you. i dunno why. perhaps, you feed my need for affection or maybe just the mere fact that you always make me feel special. minsan naisip ko, the reason i enjoy your company is because i feel like a woman, not sexually, but i feel a lil dependent, weaker maybe... i know i have quite a strong character, but it doesn't seem to bother you. you can raise your voice at me (hoping you can get away with it) and vice versa, without us quarelling. you dare impose things even my friends wont think of trying. i wont budge though but i enjoy it. the idea of someone unintimidated and bold enough to stand up and face my crankiness give me hope that somewhere, there's someone cut out for me. you make that hope burn. and im grateful for that. i guess i've always been blessed with such good friends. my circle of friends compensates for the things i lack in the romance arena. that's good enough for me.

you do wonders to my soul, you know that? i know i've told you that a few times already, and i mean it all the time. if you only knew how much i appreciate:
> the comforting words (kupal sha! yaan mo sha, wag mo na pinagkakakausap un!)
> you sharing your "precious" time with me(meet kita later ha, may gigibain lang ako hehehe)
> the prompt reply pag nagtext pa lang ako ng "san ka?"(o ano problema mo ng shootah ko?inom na tayo?!!!)
> the surprises ([me:o bat ka nandito???] you:nag emergency leave ako e. sabi mo depressed ka!)
> the moral support (o sige sabihin mo jan kay baluga, magkasama tayo!magimbento ka na ng mga pampaselos, kahit ano, papayag ako.para matauhan na yang si pangit!)
> the understanding (anaknam! siya pa din? kakausapin ko na nga yan.. para sumaya ka na)
> the hugs that never fail to warm my heart.

i guess you're the Kuya i never had (nor wanted).nonetheless, ahlabshu!!!

Posted by maharot 23:53 Archived in Jamaica Comments (2)

wanted: boylet

maharot is currently looking for a bedspacer

-17 °C

loveyou.jpg
parang ang sarap isabit nito sa pinto ng kwarto ko. how sweeeeeeet!namimiss ko na yung feeling na bigla ka na lang mapapangiti (baliw na?) o ang tinatawag ni pardner na US o "uncontrollable smile". mafifeel mo to pag bago-bago pa lang kayo. yung perfect pa lahat. getting to know each other stage pa kumbaga. yung wala pa kayong petty quarrels like di sha nagtext kung kumain ka na ba o kaya nagpacute bago kayo maghiwalay pag uwian na. nakakamiss ung "honeymoon" stage pa. yung di mo pa nakikita ang true colors niya hehehe.truecolors.jpg
during the honeymoon phase, cute ang lahat ng bagay na ginagawa niyakulangot.jpg6images.jpg.
kasehodang linisin mo ang lahat ng kalat niya 7images.jpg
o kahit gabi2 shang tumatawag ng uwak, dedma ka lang. pero come to think of it, it's gets tiring after a while. lalo kung di naman kayo magkasundo talaga to begin with, at pinilit mo lang gustuhin ang mga bagay na gusto niya para marealize niyang you're the one, kahit mas malabo pa sa pirated movie na kinunan sa loob ng sinehan ang maging kayo in the future. yung bang di tugma ang sinasabi sa buka ng bibig? frustrating di ba? kaya ako, di na ko naghahanap ng gwapo, kasi papangit din yan o tataba pagtanda (bitter??) ang importante, yung kasundo mo. someone who treats you well kahit walang ineexpect (pwede kaya to???). yung papabayaan ka lang (hmm parang mali). i mean he lets you be and you don't have to pretend that you have the same interests, there's no such thing, ano kayo kambal? 9images.jpg although at some point, nai-imbibe nyo na din ang habits ng isat-isa. kung addict sha, addict ka na din, chareeeeng! sana nga may ganun. yung considerate sa feelings mo and respects your views and decisions. i bet it won't be a bed of roses. for sure, meron kayong di pagkakasunduan, pero you'll learn to deal with it in time (like 20 years?). meron din namang tumanda na sa pagaaway kahit di mo naman mapaghiwalay. si tatay at si nanay mula nung nagka-isip ako (alam ko questionnable yung may isip ako) laging nagaaway. not the major ones pero di sila magkasundo. siguro lust lang talaga hahaha kasi pareho silang gwapo't maganda. nandyang magaaway sila kasi uutot si tatay at ipapaamoy pa niya yun (gross), minsan sabay pa kami tapos tatawa kami habang si nanay di maipinta ang mukha. di naman makagalit kasi takot sha kay tatay. just recently (a few weeks after tatay passed away) kinuwento ni nanay na nagiinit ang ulo ng tatay pag nawawala sha (nabulag na sha eventually) so pag niring niya ang bell niya at wala si nanay, mahabang explanation yan. and to think, nasa labas lang si nanay naglalaba ng damit nila. yes, they're in their 80s pero si nanay pa din lahat. pagpasok ng nanay, tatanungin sha agad.
tatay: san ka ba nagpunta? (annoyed)
nanay: sa labas naglalaba ako
tatay: sa labas...(doubtful) baka naman may kausap ka na sa gate!
nanay: ano ka ba? hawakan mo ang duster ko!basa pa sa kakalaba ng damit mo.

kaloka di ba?sabi ng nanay mas grabe pa yan nung bata pa sila at iilan pa ang anak. natanong ko tuloy "kelan ba to nangyari, nay?". sabi niya mga ilang weeks lang bago sha namatay. o di ba naman. pero deep inside i know they love each other so much, despite their differences. or maybe, nung time na yun, iba lang talaga ang mga tao. mas pasensyosa ang babae, ang lalaki naman, medyo kuntento na sa isa, lalo pa kung marami ng bibig na papakainin.

going back, ipapaskel ko pa din ang signage na to:
Ebboy.jpg

Posted by maharot 14:41 Comments (6)

jurassic misconceptions

heresays and other things i consider as FACTS during my childhood

1. pag hindi natulog ang bata sa hapon, di na lalaki (lumaki naman ako, mukha nga lang lalaki!)
2. pag di nagpatingin ng ulo (for lice) bibitbitin ng mga kuto at lisa sa mataas na puno at iiwan ka na doon.
3. tutubo ang buto (seeds) sa tyan pag nalunok mo ito. tapos lalabas sa pusod ang mga sanga.
4. gaganahan ka kumain pag may OLUK-OLUK sabi ng lola ko. turned out, a few grains of salt lang ang nilalagay niya sa ibabaw ng kaning issubo ko.at recently ko lang naisip na ang OLUK-OLUK ay kabaligtaran lang ng LUKOLUKO!!! grrr...
5. na boyfriend ko si niƱo muhlach!!! (may cut-out pako na pic na nakadikit sa wall ko at kinikiss ko sha before ako matulog----bata pa illusyonada na)
6. na may sustansya ang banana catsup
7. ang mama ko ang pinakamasarap magluto ng sunny side up (na palaman sa sandwich--nauso to sa class namin.)
8. na pwede akong maging recording artist ksi lagi akong pinapakanta ng mama ko then irerecord niya para ipadala sa ninang ko na nasa Bahrain.
9. na pag nilagyan ng sipit ang ilong ko, tatangos din sha pareho ng mga ilong ng tito't tita ko.
10. na pwedeng 2 asawa ng lalaki (based sa mga stories sa lovingly yours, helen).

Posted by maharot 19:16 Comments (0)

(Entries 1 - 4 of 4) Page [1]