moving on...
ang problemang mahirap ang solution!
7.10.09
do you ever get over a loved one? either someone you've loved for a long time, someone you loved deeply, or one who caused you so much pain? i used to think it would have a SCAR reaction (my own words). it would hurt while the wound is still fresh, but after that it would just leave a scar, no pain, but there's something left that would always remind you of the "accident" or whatever you wanna call it. there are many scenarios that could be associated with getting over issues....
kung ako na lang sana.... 
eto yung medyo one sided. yung ikaw (pa) lang ang nagmamahal. ang masaklap pa minsan, close kayo. ang laging drama jan e ikaw ang takbuhan pag malungkot sya.tapos magsesenti kung bakit iniwan ng dyowa o kaya may iba din shang pinagnanasaan. masakit di ba?kung pwede mo lang sabihin...... "kung alam mo lang kung gaano kita kamahal. na kung bibigyan mo ko ng chance, marerealize mong i'm everything you never thought you've always wanted". ako e, di mo lang ako makita kasi busy ka sa iba ![]()
one more chance 
mula highschool magdyowa na kayo. on and off, pero alam mong kayo magkakatuluyan. until one day, sya na ang nakipagsplit. kaw naman kampante na babalikan ka pa niya, kasi nga he/she cant live without you. kaso naisip niya pala na he/she cant live with you anymore...sad sad sad. hanggang isang araw nabalitaan mo na may bago na sha. at di pa yun, nakilala lang niya sa chat. no this cant be, pano niya yun mamahalin e di naman sila talaga magkakilala pa? gusto mo sanang gayahin si bea " ako na lang, ako na lang ulit"..... tapos magbibigay ka ng long list of promises about things na alam mong ayaw niyang ginagawa mo at sasabihin mong magbabago ka na, pero dun pa din mauuwe,sa wala. nakamove on na sha pero ikaw hindi pa ![]()
typical love story 
nagkakilala kayo sa office. mabait, presentable, smart, funny. naging kayo at parang ayaw mo na matapos lahat ng happiness. until one day, malalaman mo na may asawa na sha pero sabi niya hiwalay na sila. until one day, sabi niya babalik daw yung ex niya from the states at gusto shang makita. ano mafifeel mo dun?syempre ano naman ang laban mo e may past sila. you only do the best thing, ang lumayo na lang at magmukmok sa bundok tralala. you just wish him/her well and say you'll be fine. tapos susulat ka kay charo at ipapalabas sha sa maalaala mo kaya..winner.
pusong mamon 
bet mo sha since forever. kahit 50 feet away nakikita mo ang ningning sa mata niya na feeling mo e sign ni batman at tinatawag ka. ikaw naman kuntento kana sa pagtingin2 kay kuya kasi shy ka at natatakot kang mabugbog. hanggang dininig ni lord ang pagnonovena mo kay st. jude at miraculously, you became friends. kuntento ka na dun e. yung nakakagimmick mo sha with other friends pero alam mo deep inside that you could be happier kung may chance sana na maging kayo.choosy pa ba sha, e mabait ka naman, kaya mo shang buhayin at kahit pa TOP ka e magpapabottom ka ng bonggang bongga mahalin ka lang niya. pero wait there's more. may paglukso ng dugo kang nafifeel pag kasama mo sha. no hinde yun ang heart mong nagpapalpitate kundi ang malansang amoy whenever he's around kasehodang di naman sha rereglahin ever! hala! isa din pala shang kapatid! ang hinayupak, papatol din lang di pa sayo. gagamitan ka pa ng it's not you it's me. di pa sabihin wiz kita bet. pero syempre dahil love mo sha, ayaw mong isiping pinaasa ka lang niya. and for all he's worth, tatanggapin mo pa din sha pag nagsabi shang it's you all along. aminin mo yan, te!yan ang story of your life. sad but true...
someone's always saying goodbye
ikaw ang taong hindi nababakante. di naman dahil mahilig ka pero you're the type na madali iapproach. di sila magdadalawang isip na magparinig kasi mukha namang di ka mananampal. ang totoo niyan, tama sila. ikaw ang tipo ng babaeng di kayang magwala o maghagis ng gamit. in short, iyakin ka lang. pero ikaw ang epitome ng dreamgirl: mabait, pasensyosa, maasikaso, understanding, adventurous and the list goes on. kaya naman tuwing mageend ang relationship, ikaw ay clueless. ano pa ba naman ang hahanapin nila e daig mo pa ang best friend cum barkada doubled with (parang movie tie-in lang???) yaya, cook, labandera, PA at ibpa. tapos bigla na lang shang manlalamig for no apparent reason kasi di ka naman nagger o warfreak.ok alng sana kung nambababae (NOT!!!) pero yung basta na lang nagbago ang mahirap tanggapin.so tatry mo magmove on at panibagong kalbaryo na naman sa next mong "predator".
ang tanong 
pano ka nga makakarecover?
a. maghanap ng iba...
b. wait for it to die a natural death
c. magpakapokpok at lunurin ang sarili sa alak at drugs
d. umiyak at tingnan ang sarili sa salamin
e. maginarteng di affected pero lagi namang tulala
f. MAG-BLOG!!!!!!
ciao.....
Posted by maharot 12:25 PM





