para sa yo
disclaimer: the characters in this entry are all fictional. this entry is just made to release any pent-up emotions the author has....at the moment hehehe. this is also reposted from my other blog
2.2.09
sabi nila di ka pwedeng mabuhay ng masaya kung ni minsan ay di ka nagmahal o nakaramdam ng pagmamahal mula sa ibang tao.siguro totoo nga kasi ako laging masaya.maniwala kat hinde, maraming nagmamahal sa akin. nandyan ang nanay ko, na sa kabila ng pagnana-NAG araw araw (sa text) e nakukuha akong hanapin pag nawala ako ng isang linggo. ang kapatid ko na ang tingin sa akin e naglalakad na bangko dahil daig pa niya ang pulis kung humingi ng lagay pero kasundo ko sa ibat ibang kalookohan. ang girlfriends ko na kahit panay ang pintas sa mga dinedate kong mukha daw swelas ng sapatos, ay pinapautang pa din ako pag wala akong pan-date. ang mga friendships ko na kahit panay ang dakdak sa kabagalan ko sa usaping pag-ibig ay matiyaga pa ding nakikinig at nagpapayo. at higit sa lahat sa iyo, na sa kabila ng kahinaan ko sa maraming bagay, ay wala pa ring sawang maghintay kung kailan darating ang tamang panahon sa atin.
gaya ng math. bata pa ako, halos ingudngod na ni mama ang mukha ko sa math books, pero hanggang ngayon, duguan pa din ang ilong ko pag nagccompute ng numbers. tuwang tuwa ka naman dahil kung ikaw ang gumawa nun, pati tenga mo dudugo.
isa pang kahangahang kong trait ay ang galing ko sa pagnanavigate. bigyan mo ako ng directions papunta sa liblib na lugar at makakaasa ka na maliligaw ako gaano man kadali tuntunin ang lugar.kagaya nung pumunta tayo sa golden acres.buti na lang ang babaan ay dun mismo sa dulo ng trip. kung sa baguio papunta ang bus na sinakyan malamang nasa pampanga na tayo bago tayo magising.
pag nag-overnight tayo somewhere, di kita papatulugin sa sobrang kulit ko.nandyang makipagpustahan ako sa iyo hanggang maubos na ang pera mo at tubuan ka ng eyebags sa puyat. di pa dun natatapos yun.pag tulog na ako, magg-grind pa ako ng ngipin habang natutulog.di pa ko masisiyahan, pag mainit ang panahon, asahan mo na dadapo sa panga mo ang siko ko o kaya matatamaan ko ang "family jewels" mo ng isa kong tuhod.di ka man lang magagalit, bagkus panonoorin mo pa kong matulog, wondering kung san ako pinaglihi.
pag umuulan,alam na alam mong ayoko mababasa ang paa ko, kaya kasehodang buhatin mo ako mula espana hanggang morayta, papayag ka, wag mo lang marinig ang pag wa-whine ko sa daan.kahit di halos nagkakalayo ang timbang natin.
the irony of it all is that you can't muster enough courage to tell me how you feel about me.di ko tuloy alam kung ano reason mo for doing all those things that you do.i can fill up the entire blogspace to write all the good things you've done for me but it won't change the fact that you, of all people, dont have the guts to open your heart and let me in on your little secret. nonetheless, this one's for you ![]()
Posted by maharot 12:24 PM





