wanted: boylet
maharot is currently looking for a bedspacer
1.28.09 -17 °C

parang ang sarap isabit nito sa pinto ng kwarto ko. how sweeeeeeet!namimiss ko na yung feeling na bigla ka na lang mapapangiti (baliw na?) o ang tinatawag ni pardner na US o "uncontrollable smile". mafifeel mo to pag bago-bago pa lang kayo. yung perfect pa lahat. getting to know each other stage pa kumbaga. yung wala pa kayong petty quarrels like di sha nagtext kung kumain ka na ba o kaya nagpacute bago kayo maghiwalay pag uwian na. nakakamiss ung "honeymoon" stage pa. yung di mo pa nakikita ang true colors niya hehehe.
during the honeymoon phase, cute ang lahat ng bagay na ginagawa niya
.
kasehodang linisin mo ang lahat ng kalat niya
o kahit gabi2 shang tumatawag ng uwak, dedma ka lang. pero come to think of it, it's gets tiring after a while. lalo kung di naman kayo magkasundo talaga to begin with, at pinilit mo lang gustuhin ang mga bagay na gusto niya para marealize niyang you're the one, kahit mas malabo pa sa pirated movie na kinunan sa loob ng sinehan ang maging kayo in the future. yung bang di tugma ang sinasabi sa buka ng bibig? frustrating di ba? kaya ako, di na ko naghahanap ng gwapo, kasi papangit din yan o tataba pagtanda (bitter??) ang importante, yung kasundo mo. someone who treats you well kahit walang ineexpect (pwede kaya to???). yung papabayaan ka lang (hmm parang mali). i mean he lets you be and you don't have to pretend that you have the same interests, there's no such thing, ano kayo kambal?
although at some point, nai-imbibe nyo na din ang habits ng isat-isa. kung addict sha, addict ka na din, chareeeeng! sana nga may ganun. yung considerate sa feelings mo and respects your views and decisions. i bet it won't be a bed of roses. for sure, meron kayong di pagkakasunduan, pero you'll learn to deal with it in time (like 20 years?). meron din namang tumanda na sa pagaaway kahit di mo naman mapaghiwalay. si tatay at si nanay mula nung nagka-isip ako (alam ko questionnable yung may isip ako) laging nagaaway. not the major ones pero di sila magkasundo. siguro lust lang talaga hahaha kasi pareho silang gwapo't maganda. nandyang magaaway sila kasi uutot si tatay at ipapaamoy pa niya yun (gross), minsan sabay pa kami tapos tatawa kami habang si nanay di maipinta ang mukha. di naman makagalit kasi takot sha kay tatay. just recently (a few weeks after tatay passed away) kinuwento ni nanay na nagiinit ang ulo ng tatay pag nawawala sha (nabulag na sha eventually) so pag niring niya ang bell niya at wala si nanay, mahabang explanation yan. and to think, nasa labas lang si nanay naglalaba ng damit nila. yes, they're in their 80s pero si nanay pa din lahat. pagpasok ng nanay, tatanungin sha agad.
tatay: san ka ba nagpunta? (annoyed)
nanay: sa labas naglalaba ako
tatay: sa labas...(doubtful) baka naman may kausap ka na sa gate!
nanay: ano ka ba? hawakan mo ang duster ko!basa pa sa kakalaba ng damit mo.
kaloka di ba?sabi ng nanay mas grabe pa yan nung bata pa sila at iilan pa ang anak. natanong ko tuloy "kelan ba to nangyari, nay?". sabi niya mga ilang weeks lang bago sha namatay. o di ba naman. pero deep inside i know they love each other so much, despite their differences. or maybe, nung time na yun, iba lang talaga ang mga tao. mas pasensyosa ang babae, ang lalaki naman, medyo kuntento na sa isa, lalo pa kung marami ng bibig na papakainin.
going back, ipapaskel ko pa din ang signage na to:
Posted by maharot 2:41 PM






KALOKA ANG "I LOVE YOU MORE THAN HAVING THE BED TO MYSELF" MONG SLOGAN.....SHEEEETTTTTT...SANA MINSAN MASABI KO DIN YAN..SABE NILA YOU APPRECIATE THINGS WHEN THEY'RE GONE..PERO SIGURO SA BITTERNESS KO EH..NEVER KO NASABI YAN..THOUGH FOR A MOMEMT, NAGIGISING AKO NA HINAHANAP KO UN KATABI KO..SAKA KO MAREREALIZE, AY UMALIS NA NGA PALA CIA TAPOS IIYAK NA LANG AKO ULIT HANGGANG SA MAKATULOG..SO FAR, NAEENJOY KO PA NAMAN ANG KAMA KO MAG-ISA KATABI NG KUNG ANU-ANO..DEPENDE KUNG ANONG NAISIP KO PAGKAABALAHAN...SANA, ISANG IRAW EH MA INLOVE ULIT AKO AT MASABI KONG "MORE THAN I HAVE MY BED TO MYSELF...SANA LANG BAGO KO MAKUNTENTO SA PAG-IISA AT DI KO NA GUSTUHIN ANG MAY MAKATABI SA PAGTULOG...
UN LANG, DI KO NAMAN MASHADO SINERRYOSO ...ADIK LANG...
1.31.09 by kulotsalot