A Travellerspoint blog

lovingly yours, maharot

maharot is devoid of sleep and and is suffering from Premenstrual dysphoric disorder .....o wag sana gullible ha

Ola! amigos y amigas. another year has passed and hopefully, we will all have a better and more colorful year ahead of us. wooohooo!

dear maharot,

nahihirapan na ko sa sobrang dumi ng bahay namin. nagkalat ang baso, pinagkaininan, jacket atbp. sobra po akong nabobother sa set-up namin. i dunno what to do..help

Amidala

dear Amidala,

habang natutulog ang mga housemate mo, pagsamahin ang mga damit nilang nakakalat (yung mga tuyo), ibabad sa gasolina. isama na din ang mga nakakalat sa lamesa. ibabad ng 10-20 minutes. tanggalin at ikalat sa buong kabahayan. magimpake ka na ng mga gamit mo, yung valuables lang. iwan mo na ang iba. bago ka umalis, siguraduhin bukas ang mga gas at nakasaksak lahat ng appliances. sindihan mo ang mga binabad mong damit ng housemates mo. tumakbo ka na agad at wag magtagal sa bahay. magpalit ka na din ng pangalan at magparetoke ng mukha,dahil kung sswertihin sila at d mamatay sa sunog, im sure huhuntingin ka nila kasama ang buong PNP at Narcom.

P.S. tigilan mo na ang pagdadrugs

lovingly yours, maharot

dear maharot,
lagi na lang po akong loveless. kung magkakaron naman po ako ng fubu, lagi na lang pong ako ang gumagastos, bibihira pong walang bayad. kailangan ko pa sila lalasingin. mahilig din po ako sa mga challenges. yun pong malabo akong magustuhan kahit anong bait kong tao.di ko na po kaya ang mga nangyayari. i want to end this.

athena

dear athena,

una sa lahat, alam ba ng mga fubu nila na fubu mo sila? baka sa dreams mo lang sila nagiging fubu?? o baka naman naghihintay ka ng divine intervention na pagkakita pa lang sayo e feeling mo magwowork ang love at first sight. wag ganun 'neng.wag magfeeling. you need to take your appearance in consideration. syempre, dapat maayos ang damit mo.refrain from using baggy pants especially if your thin. pati na din ang shirt. tingin ko babagay sa yo ang pastel colored polo shirts (not too loud though at wag ung giveaway na screaming PINK). wear manly cologne/perfume dahil ang mga boys ngayon ayaw ng pagirl. now the highlight-- yung shoes. laging sariling sapatos mo ang gamitin mo to avoid any misunderstanding with housemates. kung hindi ito masusunod, nakikita kong you'll die a gruesome (HOT) death accompanied with 3rd degree burns. lucky color: purple lucky number:57

lovingly yours, maharot

dear maharot,

happy new year! isa po ako sa avid readers nyo. di nyo naiitatanong, kaya ayoko din naman sagutin (HUWAAAAAAAT??-Maharot). malaki ang problema ko sa bf ko. actually di naman sha malaki (ang bf ko), pero di ako mapakali tuwing magkasama kami kasi parang malayo ang tingin niya at parang matamlay sha. wala na ang dati niyang sigla. di ko naman po sha pinapagod masyado. ano kaya ang iniisip niya?

princess

dear princess,

sana nilakipan mo ng aspirin ang sulat mo, sumakit kasi ang ulo ko dun. di ko kilala ang bf mo kaya di ko alam kung ano iniisip niya (tingin ko gusto ka niyang ihulog sa bangin, un e sa tingin ko lang naman) pero since sinasabi mong matamlay sha, balisa at walang sigla, ang maiaadvice ko lang e dalhin mo sha sa espesyalista. madami sa Quezon Institute. mukhang malapit na sha!

lovingly yours, maharot

dear maharot,

minsan naisip ko na sana mayaman ako at nabibili ko lahat ng luho ko, pati na din ang mga pangangailangan ng pamilya ko. ano sa tingin mo?

bardagol

dear bardagol,

inggitera ka! dream ko din yan...

lovingly yours, maharot

dear maharot,

ano ang mas masarap para sayo? tokneneng o kwek-kwek?

bogart

dear bogart,

naknam!! pareho lang yung ITLOG ergo masarap sila pareho. on the contrary, di lahat ng itlog masarap hehehe

lovingly yours, maharot

dear maharot,

hi low! how are you? meeh? im okay. how is you're health? i hope you recieved this letter of mine in a good condition okay?! i am one of youre many fan. hope we could have been friends for life. i will waiting for youre reply since i write to you this letter and im hoping for youre kind consideration. i promise to write to you letters daily. thank you for youre reading this.

kikay

dear kikay,

isa ka pa! isang banig na paracetamol ang kailangan ko sa sulat mo. ginawa mo pa kong penpal cum teacher (dahil mukhang excuse letter/ promissory note ang letter mo!). lubayan mo ako bago maginit ang ulo ko.

lovingly yours, maharot

dear maharot,

ate!!! alam ko kaw to! bigyan moko ng pera. ang kuripot mo talaga! di pa orig ung binigay mong Zippo! susumbong kita kay mama.

utoy

aaah uhmmm

"Temporarily unable to communicate with the server. The page that you are trying to view failed to load, e.g. onLoad received success=false for URL '/content/asalgebra/Content/pages/cla/c/82/02/xml/answers_d.xm."

hehehe HAPPY NEW YEAR!!!! :)

Posted by maharot 1:38 PM

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of Contents

Comments

Dear Maharot,
Salamat sa pagsagot mo sa sulat ko na di ko alam kelan ko sinulat. Siguro kinakailangan na maging manghuhula ka kasi nahulaan mo ang nilalaman at saluobin ko tungko sa bahay namin. Ayoko naman sunugin yun kasi mahal ko yung apartment na yun. Iisip na lang siguro ako ng ibang paraan.

1.2.09 by Q_Amidala

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint