A Travellerspoint blog

confessions of a frigid dweller

this was posted in my older blogs. i cant find the entry though so im writing it from memory. again this is a product of boredom.

-17 °C

Ilang araw ka nang di umuuwi. namimiss na kita. naaalala mo pa ba nung una mo kong nakita sa kahabaan ng avenida? akala mo ikaw ang nauna no? mali ka dun nakita na kitang nagpupunas ng pawis habang patawid kung saan ako nandun. napatitig ka pa sakin noon at napangiti. oh well, the rest is history. nung bago pa lang tayong nagsasama, naappreciate ko ung small gestures like magiiwan ka ng small notes and reminders, tapos you see to it that you check kung ok lang ba sina nanay at tatay sa probinsya.regular ka pa ding nagpapadala ng pang tuition at allowance ni jenny kasi nagpromise ka na ikaw na ang magpapaaral sa kanya. ulirang anak awardee ang chika mo nun. magaling ka ding magluto, malinis ka sa bahay at higit sa lahat, ikaw ang naglalaba. how sweet. ako naman sitting pretty lang lagi. ok naman tayo sa ganun. wala naman tayong pinagaawayan kasi di naman ako mahigpit. kuntento nako sa pagiging maybahay. pinapayagan pa nga kitang magsama ng mga officemates mo at sa bahay na lang maginom. tutal you always clean up after ng inuman. wala akong mahihiling pa. im so blessed to have you.

magiisang taon na din ang nakalipas. madami na din tayong pinagdaanan, and yet you stood by me and vice versa. there were days na parang ang saya2 natin. naghu-hum ka pa minsan habang nagluluto. kahit tambak ang labada, go ka pa din. lagi ka pang bumibili ng dvd tapos papanoorin natin hanggang makatulog ka na sa sala.

sa paglipas ng araw, unti-unti ka nang nagbago. parang laging mainit ang ulo mo pag darating ka from the office.minsan ayaw mo ng kumain at diretso ka na din sa room. di ka na nagiiwan ng small notes like you used to. napilitan tuloy si nanay na lumuwas para mangamusta kasi di mo na din sila tinatawagan. nang dumating sha, halos ayaw mo din shang kausapin. ngayon dalawa na kaming nagaalala sa yo. di ko man masabi, ang bigat2 dalhin pag nakikita kitang ganyan. ayaw mo naman akong kausapin. nung linggong yun, narining ko kayong naguusap ng nanay. di nyo ko napansin kasi nasa sulok ako. all the while na akala ko okay tayo, may nakilala ka na palang iba. officemate mo galing sa pasig branch. matagal na pala kayong may relasyon hanggang bigla ka na lang niya iniwasan ng walang dahilan. di ko alam kung ano mafifeel ko nun. parang nagdilim bigla ang paningin ko at unti unti akong nasuffocate. uminit ang paligid hanggang nawalan na lang ako ng malay.

paggising ko, di ko alam kung nasaan ako. natakot ako. hanggang narining ko na ang boses mo pero di kita makita. may kausap kang lalaki na di ko din mabosesan.

"sorry mr. soriano, wala ng pag-asa. di na natin sha masasave" sabi ng lalaki.

oh my God, am i dying? parang umikot ang paningin ko nun, tapos nagflashback lahat ng happy memories natin. nung binuhat mo ko nung araw na nagkita tayo, pag off mo tapos papaliguan mo ko. lagi kang may pasalubong na food sakin kahit di naman ako buntis. pano na yun? di ko ata kayang mawala ka.

"sir baka naman may magagawa pa" pagmamakaawa mo pa. " di ko kaya, gipit pa naman ngayon"

"wala talaga e. sira na ang freon nito. kailangan na talaga palitan to. luma na pati kaha" sabi pa ng kausap mo.

"gipit na kasi sir e, sa surplus ko lang nabili yan" naghugas ka pa ng kamay lintek ka.

matapos mo akong gamitin, laspagin ng buong taon, basta mo na lang akong ipagpapalit sa iba. wala kang utang na loob huhuhu

"ganun ba? e di bilhin ko na lang, di na to papakinabangan e. sayang lang kung bibili ka pa ng freon. luma na din naman"

mamintas???kala mo kung sino. i bet mukha kang mekaniko!

"sige ho bibili na lang siguro ako ng bagong ref.salamat"

NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

Posted by maharot 12:46 PM

Email this entryFacebookStumbleUponRedditDel.icio.usIloho

Table of Contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint