paalam na...
random thoughts during paranoia
10.23.08 -17 °C
in between taking calls and surfing the net, i got an instant message from tabby (*not her real name, her real name is che hahaha) informing me that there's a bomb threat on our building. i tried to maintain my composure and avoided screaming.i dunno what i was thinking then. i grabbed my bag, gave my pesto meal to ian and descended the stairs.each step i take made me heave. random thoughts started flooding;i see flashes of light..chareeng lang.but seriously, i was thinking what would happen if the whole building collapsed.would my loved ones feel the loss?or derma lang kasi derma din naman ako most of the time.
im sure mamimiss ako ni/ng:
mama, kasi im the good child. kahit pa lagi siyang nagmamaktol at lagi niyang pinapaalala ang mga kasalanan ko mula pa nung grade 1 tuwing pag nagaaway sila ni utoy (ang magaling kong kapatid). malamang lalo niyang maiisip na wala ng magaalaga sa kanya pagtanda niya (pinapaalala ko lang ma, matanda ka na ngayon)
romie, kasi wala na shang pagbibigyan ng mga shoes, watches, skin products at kung ano2 pang kalat sa room niya.
mga baler peeps dahil una, mababawasan ang kalat sa lamesa.mababawasan ang CR/Bathroom cleaner; madadagdagan ang monthly bills na babayaran nila
alyanna kasi mawawalan sha ng DYOWA, baka lalo shang malulong sa drugs (oo druggie sha hehehe)
ruthie kasi mababawasan sha ng shock absorber at kunsintidor na housemate
athena kasi di ko na sha mabubugbog at "mapupulaan" sa pagpapantasya niya kay MARK
dax kasi wala na shang masusuhulan na gawin ang maiitim na balak na sha naman talaga ang may plano...
ana, ang gym buddy ko, kasi wala shang kakamustahin sa text (parang manliligaw sha, panay ang "kamusta ka na?" pag wala shang magawa)
honey dahil wala ng kukunsinti sa kanya sa pagkamartyr niya kay david (ang french niyang pseudo-jowa)
jules kasi wala ng babara sa kanya pag nag-iina sha about hal
naisip ko din ang mga maiiwan ko: mga tao, gamit at higit sa lahat, ang mga bagay na sana nagawa ko bago magpira-piraso ang katawan ko sa pagsabog....
>ang mga balak ko sanang panghaharass kay dark....(ay un ang unang naisip??? hehehe) pero wag na nating i-discuss dito kasi baka di na kayo magbasa ng blogs ko in the future...
>matutong magtennis na machachallenge ang kalaban ko.
>tumugtog ng gitara sa stage, ng di ako kailangang batuhin ng audience dahil magaling ako.at the same time ipagmalaki ako ni utoy kasi ang ate niya e asteeg na rakista (kahit alam ko naman na closet fan ko sha, hindi sa gitara ha... )
>bigyan ng at least 200k si utoy (wala lang, mukha kasi shang pera e)
>regaluhan ng mamahaling hikaw si ninang bilang pasasalamat sa mga tulong niya nung nag-aaral pa ako.
>alagaan si nanay, isang bagay na di ko nagawa nung buhay pa si tatay ![]()
>regaluhan ng house and lot si mama kasi un ata ang dream niya, pero okay na sakin na proud lang sha sakin. proud, period. no ifs nor buts, just plain proud.
>makabili ng sports car na pula at magdrive sa highway.
> bayaran ang Standard Chartered para di na sila mapagod padalhan ng sulat ang sperm donor (daddy ko) kasi dun naka-address ang billing sa bahay niya.
>
>at syempre, mabigyan ng apo si mama ng may proof naman na babae din ako hehehe. para din may papalit sa iiwan kong trono.
Posted by maharot 2:58 PM






bwahahaah loka loka ka marz! infairness natawa ako dito hah? well mawawalan talaga ako ng dyowa at malulungkot ako kasi wala na ko kasama mag world tour at magpa masad...
11.11.08 by Q_Amidala